top of page
Banner.jpg

JULY 20, 2022, MNL, PHL.

tamis ng unang tikim.

​

panalo yung gabi.

isa sa mga gabing bumuo ng taon ko bilang isang rakista, tiga-suporta, at litratista.

kanta. talon. sigaw. tuwa.

balikan natin yung nakaraan.

​

bata pa lang ako una kong napakinggan ang kamikazee.

nasa unang baitang ako ng elementarya nang ipanood sa akin ng tatay ko yung live performance ng kamikazee sa myx.

​

chiksilog.

​

ang sabi niya lang sa akin, tignan mo yan, mag-hheadstand yan.

simula nun dahan-dahan ko na pinakinggan at busisiin kung ano ba ang meron sa bandang 'to.

​

biglang pasok ng narda.

​

isa sa mga naging pambansang awit ng kabataan ko.

hindi ko pinalampas ang bawat eksena ng mv sa myx at mtv.

nasa ikalawang baitang ako noong panahong yun.

at dun ko pinangrap na sana pag-tanda ko ay magkaroon din ako ng sarili kong banda.

​

solid naman kasi talaga kamikazee noon pa.

sa tunog, pormahan, pati kwela ng bawat isa.

​

ilang beses ko rin pinangarap na mapanood sila ng live.

sa totoo lang, nasa highschool na ako nung una ko silang napanood ng live sa UP Fair.

saklap lang ayun rin yung taon na mag-hhiatus sila.

​

lungkot.

​

biglang anunsyo na magkakaroon daw ng huling concert sa disyempre.

huling sayaw, huling konsyerto bago sila mag-pahinga.

syempre di ko pinalampas ang araw na yun.

​

mabalik,

​

halos makabisado ko na rin yung ikot ng pagtugtog nila ng live dahil sa kakanood ko online.

kung saan sila ppwesto, kelan sila tatalon at kung ano pa.

kaya medyo alam ko kung saan ako ppwesto para kumuha ng litrato.

​

dyahe lang medyo umulan nung gabing yon.

pero tuloy pa rin ang rakrakan.

​

solid din ba naman kasama mo eh.

JM (ang dahilang kung bakit ako nagkaroon ng pagkakataon malitratuhan ang kmkz.) Clark, Boss Yvette, Noel, Don at syempre si Ouie!

​

isang dosenang kanta ang sinabayan namin.

mula unang tikim na nagsimulang magpasaya ng gabi.

chinelas para sa isang mabigat na tunog!

halik para sa kanda mali-maling pagsabay kung "umaalis ka agad nang hindi nag-papaalam o umalis ka agad nang wala mang lang paalam".

seksi seksi na parang skin ng baby na may konting pulbos!

​

at marami pang iba.

​

syempre di mawawala ang "tila ibon! tila ibon!" na sinisigaw ng mga kabataan.

​

narda!

​

ilang linggo din bago ko matapos tong kwento na 'to at ilang araw din kaming may kmkz hangover.

​

at mas tumindi pa ng makita kong pinag-llike at pinag-sshare at post ng kmkz yung mga kuha ko!

ilang araw akong hindi nakapag-trabaho dahil sobrang iba yung kilig nung nakita ko yung mga post nila.

sobrang panalo sa pakiramdam!

​

salamat kay JM at sa Erpats niya! wasap! authentic noiz!

salamat sa KMKZ sa pag-buo ng pagiging rakista ko mula bata.

​

​

​

​

​

​

​

​

​








 

bottom of page